disciple-to-[n]one

topos + graphein

Saturday, August 9, 2008

 In my hometown, there’s a vacant area beside an Iglesian church where they used to burn old banknotes. The lot has always been vacant for as long as I can remember. Most of the time there are cows sprewn on the meagre grass–for it was all sand. Twice or thrice we saw horses grazing there and it was a beautiful sight. I remember that part of town now because suddenly, somewhere in the million ziplocked memories & stills inside, I saw the Mayon. I remember a time when each time the jeepney passed that area, no matter what physical obstacle prevented me from seeing it, I’d struggle to catch a glimpse. I lived in Legazpi all my life [until two years ago] and yet I could never dismiss the Mayon like any other local dweller. It evokes a sigh that I can never give to anything else; it owns that sigh. And it amazes me how something massive, so ubiquitous in sunny weather can be hidden by clouds and fog and mist. On those days, I don’t miss it so much but I ponder on how something so familiar to us can be gone from sight, but nonetheless, stays. I don’t really know where this is going. Maybe I’m homesick. Maybe I wish people weren’t so shrewd. Maybe I wish I’ve never been too cautious in the first place. Maybe I wish I were more decisive. Maybe I think too much. No, I’m sure I do. Maybe I should stop.

*  *  *

Eto yung insidente na dapat naibahagi ko na kasabay ng mga litratong kuha sa airport, yung dalawang post nang nakakaraan. Takot siguro akong suriin ‘toh. Pero eto na: Kelan pa naging ganu’n? Na ang mga galos sa kanan at ang nabiyak na bahagi ng kaliwang headlight ng bus ay katumbas ng isang buhay? Kelan naging ganun ang ekwasyon?

Galing Legazpi yung bus at nasa intersection kami malapit sa PGH. Dala na rin ng antok at sakit ng pwet sa mahigit sampung oras na pagkakaupo, hindi ako masyadong bihilante. Ang alam ko lang pinaglalaruan ko pa yung digicam at nagpapa-cute kami ni Bantot na parehong naka-hoodie. Alam ko din naitago ko na yung cam bago mangyari yun–isang malakas na “bang” o “blag” at ang biglang pagpreno ng bus namin. Matapos yun, sa periperya ko sa kaliwang bahagi may sasakyang tumirik, pahalang ang takbo…Isipin nyo, hindi yung kanyang gulong ang nkapagdala sa kanya galing sa isang bahagi ng daan patungo malapit sa may railing sa tapat ng PGH–ang impact ng bus ang naghatid sa kanya dun. Nung una, hindi ko sigurado kung yung sinasakyan namin ang nakabangga sa pick-up truck na yun o yung sasakyan sa harap namin–yun ay kung meron. Ngunit nakumpirma nga na yung Cagsawa bus na lulan ang iyong lingkod, yun ang salarin sa pagkamatay ng driver ng pick-up. Pero teka, salarin lamang dahil ito’y malaki at hindi natinag. Sa kasamaang palad, kasalanan nung namatay na mama kung bakit nangyari ang aksidente. Sumugal siya. Hindi nya alam na ang simpleng desisyon sa pagitan ng oo: tumuloy ka kahit naka red-light na mahahabol pa yan, o hindi: maghintay at naka green-light na yung sa kaliwa…hindi nya alam na ang simpleng desisyon na oo o huwag ay magiging buhay o kapahamakan. Sana hindi siya nagmadali. Sana hindi siya sumugal. Hindi sana siya isang pisikal, materyal at marupok na bagay na napulot sa kabilang bahagi ng railing–sa sidewalk– at kinarga sa isang pedikab. Sa mga nakita ko galing sa bintana ng “salarin” na bus, hindi na maingat ang pagkakakarga ng mga tumulong sa katawang walang malay. Yun, yun ang nagsabing namatay agad yung mama.

Napakarupok natin. Kaya’t kaibigan, hindi sapat ang mag-ingat. Mag-isip ka din.

*     *     *

by Dylan Thomas

And death shall have no dominion
Dead men naked they shall be one
With the man in the wind and the west moon
When their bones are picked clean and the clean bones gone
They shall have stars at elbow and foot
Though they go mad they shall be sane
Though they sink through the sea they shall rise again
Though lovers be lost love shall not
And death shall have no dominion.

Posted by discipletonone at 9:20 am | permalink | View this entry

offspring no. 4 of 6; born 20 years past

Happy birthday NotchaNot!

 

Posted by discipletonone at 5:46 am | permalink | View this entry